Ako Mismo!

Ang pinakamalaking problema ng Pilipinas ay hindi kahirapan o katiwalian o kawalan ng kapayapaan kungdi ang pagwawalang bahala ng mga mamamayan. Simulan mo ang pagkilos tungo sa muling pagbangon ng Pililinas. Maliit man o malaki, ikaw mismo ang magsasabi kung ano ang gagawin mo.
Kakaparegister ko lang sa Akomismo para sa pagbangon ng Pilipinas. It is a movement wherein isusulat mo lang ang pledge mo at syempre tatayuan mo yun. Ang tagal kong naghintay sa ganitong uri ng movement. At nakaktuwa kasali pa si Papa Ely Buendia. Hehe. Pero di nga, hangad ko talaga ang pag-unlad ng aking bayan.
Noon, I really thought na it is painful being a Pilipino, diskriminasyon doon, kahirapan dito at kung anu-ano pa. Pero naisip ko din na kabilang banda, tayo ang pinakablessed na Nation. Kasi tayo yung nasyon na makakakita ng malaking kamay ng Diyos na umaabot sa atin para tayo ay Bumangon. And I'm sure ang kamay ding yun ang maggagabay sa atin upang tayo ay hindi na muling madapa.
Minsan din nahihiya ako hindi dahil Pilipino ako pero dahil tag tayong Christian nation tapos ganito nangyayari sa bansa natin. It's time to give God naman the Glory due Him as a nation. Ito nga pala yung mga commitments na nilagay ko:
Ako mismo mananalangin sa Diyos ng Israel na pagpalain nya tayo tulad ng pagpapala nya sa lupang pinangako.
Ako mismo magiging David sa aking bayan at susugpuin ang ating Goliaths. Magiging lider ako sa sarili ko.
Ako mismo sisiguraduhin ko na Pag-ibig, Kabutihan at Hustisya ang maghahari sa puso ko.
Ako mismo mag-aaral akong mabuti at tapos matatrabaho ng buong puso para paunlarin ang mahal kong bayan.
Ako mismo mamahalin ko ang bayan at kababayan ko.
Ako mismo ibabahagi ko ang pagpapalang natatanggap ko sa ibang tao.
Ako mismo boboto ko at maniniwala na may Pag-asa pa. Babangon ang Pilipinas!
Ako mismo mo magpopost ako ng blogs para magbigay ng Pag-asa at susunod sa batas.
May nagsabi sakin nuon daw ang Pilipinas ang no.1 sa Asia. Pero ngayon? Hindi ko na naabutan yun. Sabi din sakin we have a birthright daw for being the first Christian country. I believe it naman. Pero sabi nila kaya daw nawala yung pagpapala dahil daw we sell our birthright for cup of stew(like the story of esau and jacob).
Paano natin sinell? Dahil daw yun sa corruption at kung anu-ano pang maling ginagawa natin bilang Pilipino.
Well I think yung Ako Mismo Movement ay nasa tamang oras. Let's again regain the blessings due us. Let us stand para bumangon muli ang Pilipinas.
Truly I'm proud being a Pinoy. Not just because of Manny Pacquiao, Charice Pengpenco o kung sino man. I'm proud dahil there is something in us kaya kahit papano nakakaangat pa rin tayo. I'm a proud Pilipino because God is with us and never did or will He leave us. God loves us, what more could we ask for.
Para sakin ang key lang talaga para tayo ay bumangon ay PRAYERS/PANALANGIN. If we can believe that truly God loves us, matutunan natin mahalin din ang sarili natin, mananampalataya tayo na He really desires to bless us. So ano pa hinihintay natin, let us stand up and claim the blessings!
Then there will be magic na mangyayari, matutunan din natin mahalin ang Diyos. If that happens, lalong titindi ang Pag-ibig natin sa bayan natin. Lalong matutuwa sa atin ang Diyos natin (from now on hindi ko na lang siya tatawagin na Diyos ng Israel, Diyos na din siya ng Pilipinas) at tapos lalo nya tayong paaangatin.
Godbless the Philippines. Godbless Israel. Godbless us.